Hindi na nakapalag pa ang apat na suspetyado sa ikinasang Buy-bust Operation ng mga operatiba ng PDEA Albay Provincial Office, National Bureau of Investigation (NBI) Legazpi at Legazpi City PNP nitong pasado alas onse ng umaga sa Purok 8, Barangay San Roque, Legazpi City.
Ang mga suspek na ito nakilala na sina: Jhing Balaguer y Flores, 52 anyos, balo; Nixon Aguilar y Ludovice, 47 anyos, may asawa, isang laborer; Dennis Nunez y Morata, 36 anyos, binata, isang laborer; at Levis Balaguer y Flores, binata, walang trabaho na all parehong mga residente ng nasambit na lugar.
Basado sa police record ng PNP, narekober sa mga ito ang tinatayang 10 gramo ng sabu na may estimated market value na P60, 000.00 at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Comments