Isinugod sa Josephina Belmonte-Duran Albay Provincial Hospital si Jovelyn Barba y Talye, 23 anyos matapos saksakin diumano ng suspek na si Bong Lagsa y Diculayan, 32 anyos, may asawa sa mismong mga tinitirahan nito sa Purok 5, Barangay Tambo, Ligao City nitong alas dyes ng gabi.
Basado sa police record, nagkakaroon daw ng mainit na bangayan ang biktima at ang lasing suspek na mismong kapatid ng ka live-in partner ng biktima at bigla nalang itong sinaksak sa kaliwang balikat gamit ang kitchen knife at tumakas sa di malaman na direksyon.
Sa ngayon nagpapagaling pa ang biktima matapos ang pangyayari.
Comments